Ang Awit Ni Maria Clara

Kay tamis ng oras sa sariling bayan,
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay,
Aliw ng panimdim pati kamatayan.

Maalab na halik ang nagsaliw-saliw
Sa labi ng inang mahal, pagkagising;
Ang pita ng bisig as siya’y yapusin,
Pati mga mata’y ngumgiti mandin.

Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay,
Doon sa kasuyo ang abot ng araw;
Kamatayan pati ng simoy sa parang
Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.


Back